Thursday, June 01, 2006

ang maging tagapaglingkod ng hari...

may hihigit pa bang bagay sa isang kagaya nito...isang pagkakataong magamit mo ang mga kasanayan at pagkatuto para sa iba? saang lugar nga ba ang dapat kalagyan ng mga taong kagaya ko? mga taong ayaw yumaman...hehehe...mga taong ang hangad ay mamatay sa sarili, mamatay upang mabuhay ang iba...saan nga ba ang pinakamabuti at pinak-akmang lugar na dapat naming puntahan?

noong ako ay bata pa, naging pangarap ko na ang pumunta ng africa...doon sa lugar na walang pagkakilala sa Manlilikha...doon sa kung saan ang mga tao ay hindi pa natututong magbasa at magsulat...silang mga nangangailangan ng pagmamahal at pag-aaruga ng mga nakakaalam ng katotohanan...hanggang ngayon, ito pa rin ang pangarap ko...ang makita ang sarili kong nagtuturo sa mga batang kailangan talagang makilala at matuto ng mga dapat matutunan...sapagkat hindi ako nabubuhay para lamang sa sarili ko o para lamang sa aking pamilya...nabubuhay ako para sa aking Manlilikha...para maibigay ang luwalhati at papuri para sa aking Manlilikha...


ito ang hinihingi sa sinumang tinawag upang maging tagapaglingkod...maging bukas at may pagkukusang sumunod kahit saan pa dalhin...kahit ano pang utos..para sa Kanya...

No comments: